A Day in the Life of a Work-From-Home Single Mom

April 30, 2020

Time check it’s 8am!

Pinaka maaga kong gising simula nung nag Enhanced Community Quarantine, 3am kasi ako madalas nakakatulog.

Nakapag schedule na ako ng replies sa email before going to bed. So, this morning nag check na lang ako ng work updates then kaunting browse sa internet. Nag register na din ako para sa webinar ng SSS ngayong 11am baka may updates.

Daily routine namen ni Aki sa umaga, paihiin sa banyo! Mas madalas di na siya umiihi sa gabi (YES!).

8:30am – Breakfast kaming dalawa ng anak ko. Feeling productive. Pero wait lang inaantok pa talaga ako. Nagbilin ako sa naka toka na kapamilya na lalabas ngayon ng mga ipapabili sa grocery (goodluck kung may stocks gusto ko na mag DIY pizza!).

9am – Photo op, kasama ang favorite niyang bedtime book – Curious George. Usually nag na-nap pa ako while busy alaga ko mag laro or tumatambay kami sa garahe with pusakal kittens.

Story time

10am – Ligo time! First time ng bata sa batya!

Bath time

11am – Webinar muna. Medyo late nag start (technical difficulty daw).

Commercial: Sad news walang available na ingredients for DIY pizza, bread loaf lang nabili. Lunok laway muna.

12:12pm – Webinar done! In fairness madami na silang upgrades. Feeling positive lang muna dapat tayo may awa ang gobyerno (ehem SSS beke nemen). Browse muna then charge, mag lalaba at maliligo na din muna bago mag lunch.

Webinar time

2-5pm – Zoom seminar (Eat Right for Toddler) while checking emails and assisting a client (I survived!)

5-6pm – Email again and browse.

6:30pm – Early dinner (walang meryenda maagang nagutom).

9pm – Yes! Finally, knock out na yung batang ‘di nag nap.

ME TIME has now commenced until 3am hanggang antukin at makatulog.

Disclaimer: It’s not every day na ganito ako ka-productive, kaaga ng gising o ng tulog. Every day is a different way of coping with working from home since real work for me is being outside – processing papers for government requirements and struggling thru traffic all over the city of Metro Manila. But I am thankful because I am privileged to go home to be with my son and family. Thank you Ma’ambosses, I admire how immediate your response and decision were for me to safely go back home.


Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top